Anong Solusyon Sa Umaapaw Na Manila Bay?

Ilang bahagi ng Roxas Boulevard ay isinara dahil sa pag-apaw ng tubig at pagtambak ng napakaraming basura mula sa Manila Bay. Kasalukuyang naglilinis na nga ang MMDA sa paligid ng mga nasabing lugar at tinatayang aabutin ng hanggang tatlong araw ang paghahakot ng basura.

Mayroon ba tayong dapat gawin sa seawall ng Manila Bay para hindi na muling umapaw ang tubig sa Roxas Boulevard?

Balak kasing pataasin ng MMDA ang seawall at mukhang OK naman yung plano basta huwag lang maging lutong ampaw and paggawa. Dapat wag tipirin ang seawall puwede naman taas-taasan. Kinukurak0t kasi ang pondo kaya ayan maraming napeperwisy0. Yung pondo para sa seawall ay dapat ubusin sa seawall at huwag kurakutin ng nasa gobyerno . Kasi minsan ang unang iniisip ay kung paano kikita.

Iba na talaga ang panahon ngayon, kahit pataasin yung seawall… Hindi nyo po ba napansin na hindi pa rin tapos yang pagpapaayos. Malapit na ulit mag-1 year simula nung unang nsira ang seawall. Napanood ko sa TV na sabi ni MMDA chairman ay baka sagutin pa ng kontraktor ang mga nasira.

However, some would not agree na dapat taasan yung seawall dahil yun nga ang nagpapaganda sa Roxas Boulevard – nakikita yung Manila Bay. Papangit daw kapag puro pader ang makikita natin lalo na ng mga turista.

Pag pinataas ang seawall ay papangit na daw ang itsura ng Roxas Boulevard….at siyempre gastos na naman yang project na yan. Ang tanging paraan lang diyan eh – WALA! Hayaan lang natin. Ibig sabihin po niyan ay noong unang panahon hanggang diyan talaga ang sakop ng dagat kaya bumalik sa dati.

Kasi marami ng tinambak na lupa sa mga karatig lugar at pinatayuan ng mga buildings lalo na on that east side andiyan ang katulad na lang ng Mall of Asia (MOA) at iba pang katabing buildings nito tapos dinagdagan pa ng Cavite Express Way known as CAVITEX, so wala ng way out ang tubig. Sino ngayon nagsasakripisyo?

Iyan po ang resulta ng mga naglalakihang negosyo na nakatayo sa dapat sana ay parte lamang ng natural na karagatan. Before we have MOA as one of the biggest mall in asia. Now, we have one of the most flooding area! Dagdagan pa ng naglalakihang condominium at opisina sa tabi-tabi. Sino ang tunay na may pagkukulang – tao ba o kalikasan?

Sino nga ba ang Presidente na pumayag na itayo ang MOA diyan at ilipat ang DFA building at magtayo ng mga kalapit na buildings and condo’s and the last is the CAVITEX na sumakop sa ilang bahagi ng dagat sa Manila Bay na dahilan ng kawalan ng daluyan ngayon ng tubig.

Itong mga nagsipatayo ng mga establisyamentong iyan ay di na inisip ang future cause once they build such things. May kasiguraduhan ba sila na hindi lalamunin ng dagat ang MOA? As I can see someday kakainin ng dagat ang lupang kinatitirikan nito hanggang sa mauuka ang ilalalim at magsisink ito. Well, huwag naman sana but I am just being realistic. Just what happened to some countries na nauka ang gitna ng kalsada tapos gumuho yung mga bahay dahil ang ilalim nito ay tubig or dagat.

The question is….What is the motive of putting up a business on Nature”s Land? Sabi nga binigyan tayo ng Diyos ng sapat at ating pagyamanin pero gusto pa kamkamin ang higit doon. It’s just like what happened in our forest land, right ?

Di naman buong taon eh umaapaw ang tubig sa Manila Bay eh. Gamitin na lang ang pera para sa pagpapaayus ng drainage system sa buong Metro Manila (para mabilis dumaloy ang tubig at hindi maipon at maging baha. Tapos tanggalin lahat ng squatters na nakatira sa tabi ng ilog pero ilipat naman sila sa maayos na komunidad. Ang mga squatters ang mga pangunahing nagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat, kasama na diyan ang Manila Bay.

Lilipas din yan. Gusto na naman ng project ng MMDA para makapag-release ng pondo tapos mala sky flakes ang semento. Isang bagyo lang crack na. Sinasadya nilang madaling masira para every 3 years may ipapagawa na naman. Wala nang pag-asa ang Pilipinas puro mandurugas ang nasa gobyerno. Kung tutuusin maraming pera pero puro DPWH lang ang nakikinabang under DOTC.

Iyong basura nga yung cause kasi pag lumutang nawawalan ng silbi yung paraphet. Yun pa naman ang nagde-deflect ng alon! kahit gaano kataas yung seawall ay wala ding silbi kasi lulutang lang din yung basura.

Basura ang pinaka dahilan ng pagbaha sa tinubuang perlas ng silanganan, nasaan na ang perlas? Natambakan na mga naghaharing inbestor kaya hindi malayong isang araw matambakan din ng mga naglalakihang alon ang buong kalupaan ng PERLAS NG SILANGANAN!

Clogged na rin kasi outfalls and the waterways need to be dredged plus the fact that the water level has risen because of global warming…. and full moon pa ngayon, mataas ang tide, same thing happened when Ondoy strucked us!! It’s getting worst.

Remember that Manila is below sea level. Huwag magtaka kung konting ulan lang eh baha na. Ang nakakatakot kapag may storm signal  o tsunami pa na galit. Lubog na talaga!!

Pero iyon nga ba ang solusyon?

Kung hindi tinanggal ung mga mangrove sa dagat ay may natural barrier sana. Ibalik ang mangrove!!! hindi masama ang mag-isip ng ikagaganda ng tanawin sa Manila Bay, basta wag lang magdudulot ng perwisyo. Inalis ang mga mangrove sa dagat kasi pangit daw sa mata ng turista.  Yan tuloy ang nangyari -walang harang sa mga alon.

Kasalanan ba nating mga tao kung bakit nagkakaganito ang bansa natin sa tuwing umuulan? Tama lang na ba na maranasan natin ito para malaman na rin natin ang importansya ng salitang DISIPLINA?

Iwasto ang pagtatapon ng basura, huwag sirain at sakupin ang natural na kalikasan kapalit ng progreso, at huwag kurakutin ang pondo na para sa kapakanan ng tao.

Tawagin kaya natin na lang si Storm ng X-Men tuwing may bagyo. TIiyak mapipigilan niya ang bagyo at di na babahain yan. Odi kaya ay mag-imbento ng mga flying cars para di na lumubog sa baha. Lol!

O dapat na ba nating iharang si PNoy sa Manila Bay dahil puro yabang lang naman raw siya. I remember how PNoy criticized the previous Head of PAGASA. Wala namang ipinagbago!

Magdasal na lang kaya tayo.

About pinoytekkie

News from the Philippines
This entry was posted in Current Events, Government and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s