PNoy, Sinita Si Kabayan

Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit…Unfortunately tinamaan si Kabayan. ….

Tagos-butong tinuligsa ni Benigno S. Aquino III o PNoy ang mga mapanirang pananalita at pagkokomento ni Noli De Castro laban sa kakayahan at programa ng pamahalaan habang ito ay nagbibigay ng balita gabi-gabi sa TV Patrol. Lahat ito ay sinabi ni PNoy sa gabi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol of ABS-CBN.

Hindi raw tapat ang brodkaster tuwing ito ay bumabati at nagbibitiw ng salitang “Magandang Gabi, Bayan!” at kung makapagsalita laban sa pamahalaan ay parang hindi siya mismo nanggaling at nabigyan ng pagkakataon na baguhin din ang kaniyang mga inirereklamo sa himpapawid ng telebisyon.

Ang galing niyan mag balat-kayo ni Noli, good for him. . . Dapat naman talaga gaganituhin ang mga media, sad to say, they all ride to negativism and black propaganda. Dito sa amin, halos ayaw ko namang maniwala sa credibility ng mga media men dito. . Kaya hayun, some of them were massacred, sa halagang, 10k? 20k? freedom of press? I am sorry but dito sa amin, may kaukulang presyo iyon. Again, bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit.

Tama iyong ginawa ni PNoy uy, at sino pa kaya ang dapat pumuna kay Kabayan, aber? Whose got the nerve? Babalik-balik siya sa media, eh noong Vice President siya, ano bang ginawa nya? He deserves it, yan lang ang masabi ko. Matapos siyang magpayaman sa kaban ng NHA?

Tama lang naman na gawin ni PNoy sa kanila yan dahil nagkataon na anniversary nila, sa ganang akin wala naman silang ginawa diyan sa ABS-CBN or DZMM kung hindi batikusin ang Presidente. Narinig niyo ba na ibinida nila ang mga nagagawa na ng presidente? Di ba wala.

Sana sa mga bumabatikos sa ating presidente ay huwag nyo naman sabihin na walang galang dahil sa ginawa nya, dahil prangka lang si PNoy kaya hindi nya napigilan ang kanyang sarili na maisiwalat sa kanila ang sama ng loob na nararamdaman nya. Ano ba ang ginawa ng mga taga channel 2, puro masasamang balita at kapalpakan ng gobyerno ang palagi nila pinagsasabi diyan sa kanilang mga programa. Tama ba yan? Sila ang media dapat balance and fair ang kanilang gawin na pamamahayag huwag lang puro personal ang atake nila kay PNoy.

I would do the same way kung ako ang Pangulo. sa mediaman ang panget tingnan na may kinikilingan sila, halatang may pait at batikos si de Castro sa tuwing nagbabalita at nagkokomento siya sa TV Patrol. Ewan ko kung ako lang ang nakakapuna niyan. Anyways, magtataka pa ba ako. Minsan nang naging kaalyado ni GMA si De Castro.

I guess I feel passionately about what happened because also of my frustration with media. Hindi ba’t pabor yung maituturing sa mga gumagawa ng tama na taga media na tawagin ang atensyon ng mga gumagawa ng mali? Labas lang kasi ito ng comfort zone nating mga pinoy kaya hindi tayo sanay! Kailan kaya ang forum na iyon? Baka masasabi natin yung kataga mong “sa pelikulang pinamagatang: asa!” Hindi naman below the belt ang sinabi ni Pnoy for me, factual lang at some opinions that I also share. I am all for press freedom coupled with responsibility but I’d also rather have a president doing it in the open for all to see than to cloak a state’s practice of pandering to the media. I feel this is a good wake up call for the media.

Sabi nga ni Malcolm X, “The media’s the most powerful entity on earth. They have the power to make the innocent guilty and to make the guilty innocent, and that’s power. Because they control the minds of the masses.” Totoo yan at dapat tayong kilabutan!

Sa totoo lang, marami na ang nakakapansin kay Pnoy na dati ay medyo nagdududa sa kakayahan niya. Pero ang determinasyon at paninindigan na ipinakita niya nang harap harapan tuligsain na ang baluktot na pamamalakad sa Kataas-taasang Hukuman, hanggang sa tuluyang ma-impeached si Corona, marami na ang naniniwala sa krusada ni Pnoy.

May kalayaan din ang pinunong ito to express what he feels and in his mind, to speak for many of us in government who could be a victim of such baseless and skewed commentary from a media practitioner.

Nakakapangamba nga lang ang pakikiisang linya ng LP sa NP ni Villar sa darating na Halalan 2013 ay baka mauwi na naman sa wala ang lahat ng naumpisahan ni Pnoy at ng kanyang

Dinipensahan naman sa Twitter ni Kris Aquino ang kanyang kapatid na Presidente, habang nananatili namang tahimik at walang comment si Kabayan – katulad ng kaniyang pananahimik noong panahong siya ay Bise-Presidente  ng Administrasyong Arroyo mula pa 2004.

About pinoytekkie

News from the Philippines
This entry was posted in Government, Media and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to PNoy, Sinita Si Kabayan

  1. Pingback: My Homepage

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s