Tweet Ng Ina Mo! Lacierda

Naloka ako sa magkahalong tawa at inis ng inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda aka “dawende” sa Twitter na dapat daw ay nag-follow ang mga tao at media sa twitter account ng DOST para daw nabalitaan ang mga tweets ng PAGASA tungkol sa lagay ng panahon dulot ng bagyong Gener.

“If you were stranded in some flooded part of the city on Sunday night, that’s your fault. You probably did not monitor weather advisories from government agencies on Twitter or listen to the radio. ” -yan po ang nakasulat.

But not everyone is on Twitter! Especially the C and D class, they have no Twitter, FB or internet. Lacierda lost his marbles! He probably spends too much of his time on twitter, he now believes everyone else is.

Minsan ang gobyerno di talaga nag-iisip. Eh nasa daan tapos Nokia 3310 ang celfone. Walang radyong dala dala. May twitter??? Haler?? Gaano ba kayaman ang mga mamayan at may mga iPhone o mga advance phone silang gamit? Magresign ka na! Twitter lang pala inaatupag mo!

Masyadong ring kritiko at condescending ang administrasyon, puro kabobohan ang pinapairal. Public service naman jan uy! Huwag puro katangahan.”Ano ba ang epekto kung meron kang depekto, wala naman perperktong tao”. Forrest Gump is right “stupid is stupid does”….kainis!

Sabi sa article may 8 million Twitter users sa Pinas, eh ilan ba ang population ng Pinas? Ilan ang may Twitter account? Ilan ang may radyo? Ilan ang may smartphones? Ilan ang may PC? Nako naman, Mr. Lacierda. Think before you speak. I really don’t know if he is clueless or simply hunghang!

Sasabihin mo magtwitter ? OMG!!! Alam ba ng pangkaraniwang tao yan..at hello WALA NGANG KURYENTEEEEEEEEEEEEEEE – many don’t have the high-end smartphones with unlimited Internet access…

Akala nyo kasi ang mamamayan yumayaman tulad nyo eh. Matuto kayong tumingin sa paligid nyo. Sa sinabi mong yan eh parang mayayaman lang at may kaya ang gusto mong maligtas eh. Kung bagyong wawasak sa buhay ng marami, twitter parin ba? Anong kwenta ng mga namamahala sa mga barangay?

‎”You probably did not monitor weather advisories from government agencies on Twitter or listen to the radio.” – di lang naman pala twitter.

“Told that that it was impossible to follow Twitter amid power outages in several areas in Metro Manila, Lacierda retorted that he continued to follow weather reports through a battery-operated radio set.” sabi sa artikulo.

Bibihira na lang ang bahay na may transistor radio. Ang masaklap ang battery na ginagamit sa mga radyo eh yung malalaki, di hamak na mas mahal ang isang piraso kesa sa isang kilong bigas. Kahit radyo man lang mahirap din subaybayan pag ako nakikinig ng radyo para sa updates sa traffic o weather either talk show or commercial. Kung kelan mo kelangan yung mga update dun pa sila naguusap tungkol sa kung ano anong shit tapos pag ok naman yung panahon at kalsada dun sila naguulat.

May battery naman daw yung mga high end na cellphones nila. Privilege para sa mga may kaya. Eh paano nga yung nakararami? Aba, isip din po muna ng sasabihin pakiusap po.

Lacierda! Puntahan mo nga sila sa Isla Puting Bato at pagsabihan ang mga hampas lupa doon na kasalanan nila at wala silang Internet o smartphone o Twitter… isang pana ka lang hunghang!

O kaya ay ipa-wifi nyo ang buong Pilipinas para hindi kami magreklamo kung ma-stranded.

Parang si Marie Antonette lang ng France. Walang tinapay? Pakainin sila ng Cake! Mga bwisit!!!

Paano mo iinform? Use their power through Local Government Units. Tingnan mo yung Marikina meron silang malakas na Siren dun kapag critical level na ang Marikina River.It seems the government is well lavished with state-of-the-art gadgets and Internet service. Araw araw may naglilibot na bumbero. Initiative ika nga. Hindi yung kailangan may twitter at radio paano naman yung mga palaboy lang?

Tama rin naman in a way si Lacierda. Kase yun mga tao ay matitigas talaga ang ulo..Noon pa sila pinapaalis diyan sa mga shanty dun sa IslaPuting Bato dahil hazardous area yun. Bawal dapat ang tao o bahay doon.

Its our job to save ourselves. I think people will have to start thinking that the first person responsible for our safety is ourselves. Twitter or no twitter, there’s always the TV or radio. No electricity, battery-operated radios. Kung wala talaga, nasaan ang barangay officials mo? All Lacierda was saying was that the information was there, and it was available when they were needed. We can’t expect Lacierda to knock on our door and inform us of the latest developments (although that would be cool). Sure the guy may sound arrogant(he is), but the point is: Don’t be such a baby, there’s a storm coming. Brave it!

According to PAGASA, isa na namang bagyo ang paparating. Nagbigay na ng babala ang Malacañang sa mga mamamayang magiging apektado na maghanda sa paglikas at simulan ng gumawa ng Twitter accounts para maabisuhan ng mabilisan kung sakaling dumating na ang panganib na pinangangambahan.

Para di na maulit ang ganito, dapat na maging next project ng Aquino administration ay: free laptop, free smartphone at free WiFi sa lahat ng pilipino! Gawin na kasing karapatang pantao ang Internet. Alisin na yung monthly bills, gawin nang free-for-all ang internet para happy tayong lahat!

About pinoytekkie

News from the Philippines
This entry was posted in Government and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s