Balak Daw Ilipat Si Lolong Sa Maynila

Pinag-uusapan ang isang panukala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Protected Areas and Wildlife Bureau na ilipat dito sa Manila ang pinakamalaking buwaya na si Lolong na sumusukat sa habang 6.17 meters mula sa kanyang tahanan sa Agusan Del Sur. Balak daw ilipat si Lolong sa isang pitong ektaryang lagoon sa loob ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.

Ayon sa DENR, mas malaki na umano ang magiging habitat ng nasabing buwaya at mas maaalagaan umano nila ang pinakamalaking buwaya sa mundo. Umalma naman ang mga residente ng Bunawan sa Agusan Del Sur. Itinuturing nilang treasure ng lalawigan si lolong dahil sa laking tulong nito sa kanilang local tourism.

Putragis! Ang dami na kayang LOLONG sa Manila. Marami na pong BUWAYA sa MANILA..,Ibat-ibang klase na po ang HAYOP dito – May HUNYANGO, AHAS, LINTA etc! Pwede rin. In return, ipadala sa wildlife ang mga nasa posisyong astang buwaya.

Hindi pa ba sapat ang bilang ng mga BUWAYA diyan sa gobyerno at pati si Lolong na nananahimik eh gusto nyong pakialaman. Yun ngang isang BUWAYA na my BRACE sa leeg eh nakatakas (o pinakawalan) lang so ibig sabihin di nyo kayang ikulong ng maayos ang mga BUWAYANG yan. Dito pa lang sa Metro Manila ay halos wala ng paglagyan ang mga buwaya. Meron sa mga de-aircon na tanggapan ng governent, sa Batasan, sa kalsada. Hayaan na lang si Lolong doon at huwag na ilipat.

Huwag na kung saan siya lumaki ay doon ns siya dapat titira. Hindi na dapat ilipat si lolong dahil nasa mabuting kalagayan naman siya ngayon at nasa mbuting kamay. Para saan pa? Baka makaapekto pa sa kalusugan ni lolong ang paglipat niya sa manila. Doon na lang siya sa Agusan Del Sur at nakakatulong pa sa lokal na pamahalaan sa paglikom ng pera ang mga kinkita sa tourism para sa kanilang mga project. Di hamak rin na mas malinis at presko siya sa probinsya.

Huwag nyong agawan ng pagkakakitaan ang taga Agusan Del Sur. Kung sino man nakaisip na ilipat si Lolong sa Manila ay di hamak na mas malaking buwaya. Gusto lang nun na mas pagkakitaan nila ang buwaya. Huwag maging sakim! Sa dami ng buwaya dito sa Manila bakit hindi nalang sila ang ikulong sa wild life. Sa Manila may buwaya tayong pulis, MMDA, Traffic enforcer at lalo na ang pulitiko. Iyong mga kukuya-kuyakoy sa mga opisina nila at naghihintay ng tiyempo na makapitik sa kaban ng bayan saka nyo ikulong lahat pagsama-samahin silang lahat. Mas maganda tingnan yan. Mas marami sigurong bibisita. Hindi pa ba sapat yun?

Parang sinasabi ng DENR na hindi kaya ng pamahalaang Agusan Del Sur ang pag-protekta sa wildlife na si Lolong. Tama lang na manatili ang buwaya dahil isang karangalan ng Agusan Del Sur mapabilang sa mga iginagawad na karangalan pangmundo hinggil sa mga ganitong bagay. Madami na ngang buwaya sa manila, magdadagdag pa…bato-bato sa langit tamaan ay bubulagta(mabubukulan).

Gumawa na lang ang lokal na pamahalaan ng Agusan Del Sur ng mas malaking kulungan na siyang paglalagyan sa kanya. Ayusin na lang ang kulungan sa Bunawan at pagandahin ng husto para makilala sa kanilang likas na yaman at makakatulong sa local economy.Im sure naman na ang mga kongresista sa bayan ay pwede ring magrequest sa pamahalaang Aquino na maglaan na lang doon ng pondo.

DENR personnel are useless and senseless… Maraming problema sa MINING at LOGGING sa Mindanao, dapat yun ang unahin nila. Ang problema ng DENR ay kung saan ang pera ay nandoon sila at nakikisawsaw. This office should be demolished.

More people means more stress to animals. Baka pag nilipat pa si Lolong ay mamatay pa yan. Imbis na may tourist attraction ka pa, wala na. Asikasuhin nlang nila ang mas importanteng bagay. Ang dami kaya nilang dapat rerepasuhin! Wala ba silang ginagawa o wala silang magawa kasi bulag-bulagan sila (o baka naman nalalagyan). Naku naman!

Kung makakapagsalita lang si Lolong

Lolong: “Happiness is a choice and my life isn’t about pleasing anybody… I am a cut-throat kaya tama lang na dito ko pagbayaran ang naging kasalanan ko sa agusan del sur.”

Sus mariano ka indo…Ano ba yan? Buwaya na nga, bubuwayahin pa… Eh paano kasi napansin na malaki na ang kinikita ni Lolong doon sa lugar niya kaya gusto ipalipat sa Manila. Ibalik na lang kaya yan sa pinanggalingan nya para wala ng gulo!

About pinoytekkie

News from the Philippines
This entry was posted in Current Events, Government and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Balak Daw Ilipat Si Lolong Sa Maynila

  1. Dapat hindi nyo ilipat ang isa sa mga tourist pots dito sa aming lugar kaya naman huwag kayong ganyan ! Anong akala nyo di kaya ng lugar namin na alagaan si lolong? Aba’y wala namang ganyanan ang dami nang mapagkakakitaan jan huwag na tong si lolong at tsaka may kinuhang buwaya daw galing dito na inilipat jan ngunit pinakawalang lng ..
    Ayaw ko nang mga taong SAKIM ang mabuti pang gawin niyo ay magtanim ng camote baka may makuha ka pa at maaani !!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s