Kaibigan, Matanong Lang Kita…

Kaibigan,

Ako ulit. Matanong lang kita. I can’t get over why a lot of you folk’s over there resist the passage of the RH Bill.

Tanong lang.

Di ba ang pagkitil ng buhay o ang pag patay ng buhay ng isang nilalang ay mahigpit na ipinagbabawal ng Batas Ng Diyos?

Hindi ba’t mahigpit ding ipinagbabawal ito ng batas ng gobyerno?

Kung ipagbabawal ba natin ang lahat ng uri ng sandatang nakamamatay, sa palagay mo kaya wala ng papatay ng tao?

Kung hindi naman natin ipagbabawal ang mga baril, panaksak at kung ano anong uri pa ng sandatang nakamamatay.

Sa palagay mo ba, magpapatayan na lahat ng tao?

Magtiwala ka sa tao. Lalong lalo na sa kapwa mo Pilipino. Hindi naman sila mga praning na oras na maipasa ang RH Bill mag uumpisa na silang maglaglag ng mga bata kahit anim o walong buwan na sa tiyan.

Merong mga gamot na nakagagawa nito, bihirang bihira mangyari ito, pero nangyayari.

Walang ipinagkaiba ito at maaring mas madalang pa sa dami ng taong pinapaslang ng walang kadahi-dahilan sa ating kabayanan.

Hindi ako naniniwala na ang mga kababayan natin, eh, maglalaglag ng kani-kanilang mga sanggol para lang makaiwas sa kahirapan. Maari pa silang pumaslang ng ibang taong puwede nilang pag-nanakawan para makaahon lang sa kahirapan, kesa maglaglag ng kani-kanilang mga sanggol.

Makakatulong ang RH Bill sa edukasyong maidudulot nito sa nakararami nating mamamayan.

Palagay na natin na kasama na din dito ang abortion at kung ano anong uri pa ng contraception.

Walang ipinagkaiba ito sa baril, balisong, itak, kotse, motorsiklo o paltik na nagiging dahilan ng pagka-paslang ng mga buhay ng ating mga kababayan.

Meron ng mga surgical procedures ngayon na makapag-papabaog sa mga kalalakihan at kung handa na siyang maging tatay, puwede siyang operahan uli para mawala ang pagkabaog. Hindi mo na kailangan ng UID, condom o Birth Controlpills. Pag nabuntis pa rin yung misis mo, garantisado hindi sa’yo.

All joking aside. Makabubuti itong batas na ito, kaibigan, para sa kinabukasan ng ating bansa. Kasi ang mga bata mas maaalagaan ng husto ng kani-kanilang mga magulang. Dahil ang mga magulang ng kinabukasan ay magiging magulang lang kung nakahanda na sila, pinag hahandaan ng husto ang mga ganitong uri ng pangyayari sa buhay. Hindi ito suwertehan na parang lotto.

Walang garantiya ang lahat ng ito, ang kotse nga kahit bagong-bago, bagong bili, bagong modelo, bagong gawa, puwede pa rin tumirik sa kalye.

Kung hindi pa rin kita nakumbinsi dito sa nailathala kong ulat, ay karapatan mo yon.

Manalig ka sa Panginoon at higit sa lahat maniwala ka sa sarili mo, hindi sa ibang tao.

Sabi ng Diyos kung gusto mo akong makausap, tawagin mo lang ang pangalan ko, kahit saan, kahit kalian, kahit anong oras makikinig ako sa iyo.

Hindi kasali dito ang pari o bishop, congressman o artistang naging congressman (o senador), sa lahat ng ayaw ng Diyos, eh, yung meron ka pang interpreter, marunong naman magnagalog ang Diyos. Lahat ng linguwahe, alam ng Diyos.

Nawa’y Mapasaiyo Ang Kapayapaan Ng Panginoon.

*credits to aoctajr for the content and pinoy-ofw for the image

About pinoytekkie

News from the Philippines
This entry was posted in Current Events, Government, Health, Society and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s