Show Us Your EPAL Rides

Kung si Batman ay may bagong Batmobile every new movie, ang mga EPALiticians ay hindi rin pahuhuli. Paramihan rin sila ng kanilang EPAL rides (ambulance, bus, mobile library, mobile clinic, police car, ….pati na karo ng patay…)

Buti pa nga si Batman, simbolo lang niy ang nasa batmobiles niya, pero ang mga EPALiticians, pati pangalan at mukha ay naka-display na akala mo ay mas sikat pa sa artista.

Ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ko mailalagay lahat sila dito dahil sangkaterba po sila at nakakawindang ang kanilang naglalakihang pagmumukha, simbolo, initials o mga pangalan sa mga sasakyan na  pag-aari ng pamahalaan – na ang ibig sabihin ay pag-aari nating mga mamamayan dahil sa buwis po natin kinukuha ang mga ipinang-gastos sa mga iyon.
Hindi po dapat nila dinudungisan ang ating mga pag-aari dahil sila ay ating mga “servants” lamang. Tayo po ang mga amo nila kaya hindi dapat sila umasta na kanila ang mga sasakyan na pinondohan ng gobyerno.

Trabaho po nila ang magtrabaho para sa ikagaganda at ikaaayos ng kalagayan ng publiko so wala tayong dapat tanawing utang na loob sa kanila maliban sa pasasalamat na hindi nila kinurakot lahat ng pondo ng mamamayan.

Show us your rides, EPALiticians!

This slideshow requires JavaScript.

About pinoytekkie

News from the Philippines
This entry was posted in Crimes, Government, Movement, Politics and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Show Us Your EPAL Rides

  1. Lynne Bisnar says:

    Anong ginagawa ni president PNOY tungkol dito? Oh well,,,Si Mr. Palengke na ang tanungin natin…Me magagawa ba si DILG Sec.Mar Roxas? Dito sa States, it will merely say: Your tax dollars working for you… no mention of any public official name but the city and State where the project is. It will mention the city official name and his office for inquiry purposes only regarding the project. Akala ko nabago na kasi tuwid na daan. walang wang wang…yun pala ang lagayan ng wang wang naman ang ginawang moving posters. hindi ko iboboto ang sinomang merong ganitong style of campaigning! sa maliit na bagay di makasunod,yun pa kayang sa malaki at mas mahalaga.sana patuloy nating ibisto ang mga taong ganito sa pamamgitan ng social media networks. Good Work!…And yes… I am a registered absentee voter:) who really would like to retired in Pinas…I would if Mar Roxas will be the president…for now, i will stay in the land of freedom and accountability is a way of life.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s