Tabi-Tabi Po Sa Senador Na Nakaupo


Gumawa raw ang kaibigan niyang si Joey De Leon ng tula laban sa mga nagbibintang ng Plagiarism….well, eto ang isang tula na pantapat para mabasa sana ni Tito Sen…

Sikat na sikat ka talaga sa TV
Dahil sa dami ng iyong mga sinabi
Hindi nga lang makapaniwala ang marami
Dahil ang katotohanan ay iyong ikinukubli

Nagsimula ang lahat sa pagkopya
Na inakala mong walang masama o hindi madaya
Umabot pa ang kahihiyan sa ibang bansa
Dahil ang kinopyahan mo ay likha ng isang banyaga

Itinanggi mo nang walang alinlangan ang iyong ginawa
Minaliit mo pa ang taong orihinal na may akda
Sa bandang huli ikaw din ang s’yang napahiya
Dahil kauri mo ang umamin ng iyong sala

Sa iyong pagkwento’t pag-iyak ay nailahad
Ang ginawang kwento at katotohanan na iyong binaliktad
Ngunit publiko’y matalino, di mo maloloko kaya sa isyu ka tinadtad.
Sa labang ito, sa tiwala ng publiko ikaw ay tuluyang sumadsad.

Naririnig ko lang noon sa iba at nababasa
Ang tungkol sa mga biktimang tulad ni Paloma
Ano ba ang kaugnayan mo kina Pepsi, Guada at Monica?
Tila ba walang pagsarado sa mga nangyari sa kanila.

Pilit mo pa ring itinanggi ang iyong kagagawan
Dahil ayon sa iyo wala kang mali at ninakawan
Iyo pang idinidikdik at ipinagsisigawan
Na paninira lamang sa iyo ang taktika ng kalaban

Kung naririnig mo lamang ang mga daing ng kababaihan
Makita at maramdaman ang hirap na kanilang pinagdaraanan
Sa mga panahon ng pagbubuntis at panganganak ay kailangan
Gumaganang sistema na magsasalba sa kanila sa kamatayan

Hindi mo alam, hindi mo nakikita
Hindi mo naririnig ang pag-iyak ng mga bata
Sa tuwing kumakalam ang kanilang mga sikmura
Ikaw ba ang nahihirapan sa pagkalinga at pag-aaruga?

Ano ang naghihintay sa aming kinabukasan
Kung patuloy ang iyong pagbubulagbulagan
Sa mga nakabuyangyang na realidad ng kahirapan
Na patuloy na gumugupo ng sakit sa aming isip at katawan.

* credits to Kiko Dela Tonga

About pinoytekkie

News from the Philippines
This entry was posted in Government, Politics and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Tabi-Tabi Po Sa Senador Na Nakaupo

  1. vindicaythur says:

    And that’s is the number one reason that we should not trust comedian to run for politics!Huli na tumatanggi pa, nagmalaki pa!!! HAAYyyz! we are hopleless ang bayang kong Pilipinas kung mga kagaya nila ang mamumuno sa bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s